Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Patricia Raybon

Tumulong

Humingi ng tulong ang isang lalaki sa kanyang kapamilya para sa kanyang bayarin. Mabigat para sa kanila na tulungan siya dahil marami din silang mga dapat bayaran. Pero kahit ganoon, ginawa nila ang lahat para tulungan siya.

Sumulat ang lalaki sa kanila bilang pasasalamat, “Lagi na lang kayong tumutulong, pero iniisip n’yo na maliit na bagay lang ito.”

Hindi maliit…

Pagsunod sa Lider

Humanga kami ng asawa ko nang minsang makita namin ang tatlong jet fighter na nasa himpapawid. Para kasing iisa lang sila dahil maayos silang nakahanay habang lumilipad na magkakalapit.

Paano kaya nila iyon nagagawa? Maaaring ito ay dahil sa pagiging mapagpakumbaba ng mga piloto. Makikita ang kanilang pagpapakumbaba sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kanilang lider. Hindi nila pinagpipilitan ang gusto nilang bilis…

Magtiwala kay Jesus

Minsan, naghanap kami ng mekaniko para ayusin ang aming sasakyan. Dahil mukhang bata pa ang nahanap naming mekaniko, nag-alinlangan ang asawa ko. Iniisip niya na baka hindi nito kayang ayusin ang sasakyan namin. Ang pag-aalinlangan ng asawa ko sa mekanikong iyon ay maihahalintulad sa pag-aalinlangan ng mga taga Nazaret kung sino talaga si Jesus at kung ano ang kaya Niyang gawin.…

Pagpapasalamat

Kamakailan lang ay nalaman namin na may kanser ang asawa kong si Dan. Isang araw, kinausap siya ng kanyang doktor. Nakangiti niyang sinabi kay Dan na simulan niya ang bawat araw na nagpapasalamat sa Dios. Iminungkahi nito na mag-isip si Dan ng kahit tatlong bagay na nais niyang ipagpasalamat.

Sumang-ayon si Dan dahil alam niya na mas makikita niya ang kabutihan…

Paghingi ng Tulong

Nagpadala ng email ang kaibigan ko pero hindi ko agad binasa. Abala kasi ako noon sa pag-aasikaso sa kamag-anak ko na may sakit. Inisip ko na wala akong oras para sa mga ganoong bagay.

Pero kinabukasan, binasa ko pa rin ito. Sabi niya sa kanyang email, “Ano ang maaari kong maitulong sa iyo?” Nahiya ako dahil binalewala ko ang email niya…